𝐌𝐀𝐏𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐄𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎, 𝐍𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐍𝐈𝐍𝐈𝐑𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐇𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐆
Kasalukuyang nagsasagawa ng 𝐌𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐲 ang Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Hong Kong para sa mga kababayan na nagtatrabaho, nag-aaral, at naninirahan sa Hong Kong, People’s Republic of China.
Ang proyektong ito ay alinsunod sa layunin ng Konsulado na magkaroon ng kamalayan sa mga lugar na tinitirhan ng mga Pilipino sa Hong Kong na gagamitin sa mga oras ng sakuna, tulad ng mga natural na kalamidad at iba pang krisis.
Maaaring makilahok sa isinasagawang survey sa pamamagitan ng pag-scan sa 𝐐𝐑 𝐂𝐨𝐝𝐞 o sa pamamagitan ng link na ito: https://forms.gle/cCkfAhTuVLe1yLVZ8 .